Mga doktor ng PMA na sumuri kay Darwin Dormitorio hiniling na matanggalan ng lisensya

By Erwin Aguilon October 08, 2019 - 08:58 AM

Pinatatanggalan ng lisensya sa Professional Regulation Commission (PRC) ng isang kongresista ang mga doktor ng Philippine Military Academy na sumuri kay Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, isa sa may-akda ng Anti-Hazing Law,
sa halip na iligtas ng mga doktor ng akademya ang buhay ni Dormitorio ay mali pa ang naging diagnosis sa lagay ng plebo at hindi man lamang sinuri ito ng mabuti.

Kung hindi aniya nagpabaya ang mga doktor ay posibleng buhay pa si Dormitorio.

Malinaw aniya na mayroong administrative, professional, civil, at criminal liabilities ang mga doktor ng PMA Station Hospital dahil sa ginawang kapabayaan.

Posible ding maharap sa criminal negligence sina Captain Flor Apple Apostol at Major Ofelia Beloy, ang dalawang doktor na sumuri kay Dormitorio, dahil sa maling diagnosis sa kadete.

 

TAGS: Darwin Dormitorio, hazing, PMA, PMA Doctors, Radyo Inquirer, Darwin Dormitorio, hazing, PMA, PMA Doctors, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.