Mga bida sa Netflix series na Insatiable nasa bansa na

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 08:29 AM SHARE(S):

Dumating na sa bansa ang mga bida sa Netflix series na Insatiable.

Sinalubong sila ni Gloria Diaz na may papel ding gagampanan sa nasabing Netflix show.

Kabilang sa nasa bansa ay sina Insatiable stars Debby Ryan at Dallas Roberts.

Isang welcome party naman ang inihandog ni Diaz para sa kaniyang co-stars at ang anak niyang si IsabelleDaza ang nagsilbing host sa party.

Ayon kay Daza ang dinner party ay bilang selebrasyon sa pagkakaroon ng bahagi ni Diaz sa second season ng Insatiable.

Sa nasabing party, nagsuot sina Debby at Dallas ng damit na likha ng Filipino designers.

Dumalo din sa intimate dinner si Ruffa Gutierrez at kapatid niyang si Raymond.

TAGS: Dallas Roberts, Debby Ryan, Gloria Diaz, insatiable, Netflix, Dallas Roberts, Debby Ryan, Gloria Diaz, insatiable, Netflix

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.