Pagbili ng armas ng Pilipinas sa Russia walang komplikasyon sa China ayon sa Malakanyang

Walang nakikitang komplikasyon ang Palasyo ng Malakanyang kung bibili ng armas ang Pilipinas sa Russia at gagamitin sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat naman ng bansa sa buong mundo ay nagkakaisa sa paglaban sa terorismo, ilegal na droga at iba pa.

Pabor din aniya sa China ang ginagawa ng Pilipinas.

Iginiit pa ni Panelo na malinaw ang foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaibigan ang kanyang turing sa lahat ng bansa.

Matatandaang bukod sa Russia, nagbigay din ng armas ang China sa Pilipinas.

Read more...