Water level ng Angat dam muling bumaba sa 189 – meter level

Nabawasan muli sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Nasa 189.74 meters ang water level ng Angat base sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Oct. 8.

Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam at ngayon ay nasa 78.19 meters.

Ang iba pang dam na nawasab ang antas ng tubig sa magdamag ay ang Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ang water level ng Ipo, San Roque, at Pantabangan.

Read more...