Partial operations ng LRT-2 umarangkada na; bilang ng mga tren na bumibiyahe limitado pa

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2019 - 06:39 AM

Nakapagsimula na ng partial operations ang Light Rail Transit (LRT) Line – 2.

Alas 6:00 ng umaga nang papasukin sa mga istasyon ng tren ang mga pasahero na maaga pa lamang ay nag-aabang na sa pag-resume ng operasyon ng LRT-2.

Alas 6:05 ng umaga nang makabiyahe ang unang tren mula sa Cubao Station.

Una nang sinabi ng LRT Administration na limang tren lamang ang bibiyahe sa pagpapatupad ng partial operations.

Maliban dito, lilimitahan din ang bilis ng andar ng mga tren.

Dahil dito, asahan na umano ng mga pasahero ang mas matagal na paghihintay sa pagdating ng mga tren sa bawat istasyon.

TAGS: LRT line 2, partial operations, Radyo Inquirer, LRT line 2, partial operations, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.