4 patay matapos malunod sa water reservoir sa India dahil sa pagseselfie

By Rhommel Balasbas October 08, 2019 - 04:58 AM SHARE(S):
Getty Images

Patay ang isang bagong kasal na babae at tatlo niyang kaanak matapos malunod sa water reservoir sa Tamil Nadu, India dahil sa pagseselfie.

Sa ulat ng isang Indian newspaper araw ng Lunes, sinabing ang grupo ng anim katao ay nakatayo sa isang lugar malapit sa Pambar dam na may hanggang bewang na taas ng tubig.

Nakatakda sanang kumuha ng selfie ang pamilya ngunit isa sa anim ay nadulas dahilan para mahatak ang iba pa.

Nagawang mailigtas ng mister ang kanyang kapatid na babae ngunit tuluyan nang nalunod ang iba pa kasama ang kanyang misis.

Ang Tamil Nadu ay mayroong mga dams at water reservoirs na dinadayo ng mga turista.

Ayon sa pag-aaral ng US National Library of Medicine, ang India ang may pinakamalaking bilang ng naitalang selfie deaths sa buonh mundo.

Mula 2011 hanggang 2017, umabot sa 259 ang namatay dahil sa selfie sa India.

TAGS: India, killfie, selfie deaths, Tamil Nadu, India, killfie, selfie deaths, Tamil Nadu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.