GM ng Houston Rockets nag-sorry dahil sa tweet ukol sa protesta sa Hong Kong

By Len Montaño October 08, 2019 - 04:55 AM SHARE(S):

Nilinaw ni Houston Rockets general manager Daryl Morey na wala siyang intensyon na saktan ang kanilang mga fans sa China.

Pahayag ito ni Morey kasabay ng paghingi ng paumanhin dahil sa kanyang tweet patungkol sa nangyayaring protesta sa Hong Kong.

Ayon sa opisyal, inihahayag niya lamang ang kanyang saloobin base sa kanyang intepretasyon sa nangyayari sa Hong Kong.

Kinikilala umano ni Morey ang suporta ng kanilang Chinese fans at mga sponsors kaya nais nitong ipaalam na wala siyang planong masaktan ang mga ito.

Kasunod ng tweet ni Morey ay sinuspinde ng isang sponsor ng koponan at isang Chinese sportswear maker ang ugnayan sa Rockets.

Sa ngayon ay deleted na ang tweet ni Morey na may kasamang caption na “Fight For Freedom. Stand With Hong Kong.”

 

TAGS: Daryl Morey, Hong Kong, Houston Rockets, protesta, sorry, tweet, Daryl Morey, Hong Kong, Houston Rockets, protesta, sorry, tweet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.