Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-4:02 Martes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 67 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.
May lalim ang pagyanig na 119 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.