Babae natagpuang patay sa sariling bahay sa Caloocan City

By Rhommel Balasbas October 08, 2019 - 04:15 AM

Natagpuang wala nang buhay at tadtad ng saksak sa katawan ang isang babaeng accountant sa sarili nitong bahay E. Castillo Street, Brgy 31, Caloocan City.

Ayon kay Caloocan PCP 2 commander Police Capt. Herson Manegdeg, kinilala ang biktima na si Florinda de Bellon, 42 anyos.

Pumunta sa bahay ng biktima ang kanyang tatay bandang alas-7:00 ng gabi pero gumulantang sa kanya ang duguan at walang damit na anak.

Sa follow-up operation ng pulisya kaninang alas-2:00 ng madaling araw, natimbog ang suspek na nakilalang si alyas ‘Jay-r’, 21 anyos.

Ang suspek ay kapitbahay ng biktima at namataan itong bumibili band-aid matapos magtamo ng sugat sa kanyang pananaksak.

Pinabulaanan ng suspek na ginahasa niya ang babae ngunit matanggal na umano siyang may naririnig na bulong na patayin na ito.

Inaalam ngayon ng pulisya kung lulong sa droga ang lalaking suspek nang gawin ang krimen.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.

TAGS: accountant, babae, bulong, caloocan, Murder, tadtad ng saksak, accountant, babae, bulong, caloocan, Murder, tadtad ng saksak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.