Heart Evangelista pasok sa Top 10 Fashion Week influencers

By Len Montaño October 08, 2019 - 04:09 AM SHARE(S):

Dahil sa kanyang de-kalibreng fashion style, pasok ang actress-host na si Heart Evangelista sa Top 10 influencers sa Fashion Week.

Masayang ibinahagi sa social media ng misis ni dating Senador Chiz Escudero ang kanyang tagumpay.

Sa kanyang tweet, inilagay ni Heart ang screenshot ng tweet ng market research company na Ipsos kung saan makikita ang kanyang pangalan sa top 10.

Sa listahan ay pang siyam ang aktres sa mga top influencers.

Namangha at nagpasalamat si Heart sa naturang achievement.

Sa nakalipas na mga linggo ay naging busy si Heart sa pagrampa sa mga Fashion Week.

Mula sa New York Fashion Week ay pumunta naman si Heart sa Paris Fashion Week.

Kalinya na ngayon ni Heart bilang top influencers ang mga international celebrities gaya nina Cardi B, Victoria Justice, Christina Aguillera, Russel Westbrook, Versace, Sandara Park, Kehlani at Anna Kendrick.

TAGS: Fashion Week, heart Evangelista, influencers, New York Fashion Week, Paris Fashion Week, rampa, Top 10, Fashion Week, heart Evangelista, influencers, New York Fashion Week, Paris Fashion Week, rampa, Top 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.