Pahayag ito ng DOTr kasunod ng sinabi ng isang militanteng grupo na nakakaranas ngayon ang bansa ng “mass transport crisis.”
Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr., may problema sa mass transport dahil sa magkakasunod na aberya sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-1 (LRT-1) at ang partial operation ng Light Rail Transit-2 (LRT-2).
Pero sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Libiran na ang pagkasunog ng power rectifier ng LRT-2 ay isang bagay na walang may gusto.
Patunay anya ang improvements sa mga railways at ang ginagawang rehabilitasyon sa public transport na walang krisis.
Binanggit ng opisyal ang pagtatayo ng MRT-7 at ang Philippine National Railways (PNR), LRT-1 at LRT-2 extensions.
Sinabi pa nito ang pagkaunti ng bilang ng mga insidente kung saan pinapababa ang mga pasahero ng MRT-3 dahil sa aberya.
Base sa datos ng ahensya, mula 587 noong 2016 ay naging 57 na lamang ang MRT-3 unloading incidents noong nakaraang taon.