Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ng negosyanteng si Reghis Romero II na humihiling sana na pigilin ang kanyang anak na si Michael Romero na kontrolin ang operasyon ng Habour Center Port Terminal INc. o HCPTI.
Ang HCPTI ang nag-ooperate ng port of Manila sa kasalukuyan.
Sa dalawang pahinang desisyon ni Judge Reynaldo Daway ng Branch 90 ng QCRTC, ibinasura nito ang petition for writ of preliminary injunction ni Reghis na pipigil sana sa kanyang anak na magamit ang dalawang deeds of assignment na inisyu noong 2011.
Ang dalawang deeds of assignment ayon kay Michael Romero, ay nagpapakita na binitiwan na ng kanyang ama ang kontrol sa HCPTI sa pamamagitan ng paglilipat ng 689,258,653 shares nito sa kumpanya ni Michael.
Sa kabila nito, ibinasura naman ng korte ang hiling ni nakababatang Romero na balewalain na ang kasong sibil na isinampa ng kanyang ama laban sa anak upang madetermina usapin kung sino ang nagmamay-ari ng HCPTI.
Una rito, iginiit ng kampo ni Reghis na peke ang dalawang deeds of assignment na hawak ngayon ng kanyang anak.