M3.6 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-12:43 Martes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 14 kilometro Timog-Silangan ng Lingig.

May lalim itong 16 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...