Oil price rollback epektibo na ngayong araw
Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang ikalawang sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng lahat ng kumpanya ng langis, P1.00 ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.80 naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina.
Ang Petron, Flying V, Chevron (Caltex) at Shell naman ay may bawas ding P1.15 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.
Nauna nang nagpatupad ang Phoenix at Cleanfuel ng rollback noong Sabado at Linggo na sinundan ng Chevron kaninang hatinggabi.
Simula noong October 1, umabot na sa P2.25 ang natapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina at P1.60 naman sa kada litro ng diesel.
Ayon kay Oil Industry management Bureau Director Rino Abad, posibleng magkaroon ulit ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo dahil sa lalaki pang produksyon ng langis sa Saudi Arabia matapos ang oil refinery attacks.
Nagpapalaki rin sa posibilidad ng rollback ang paglakas ng piso kontra dolyar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.