40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cubao, Quezon City
(UPDATE) Aabot sa 40 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy ang nasa 20 bahay sa Brgy. San Matin de Porres, Cubao, Quezon City madaling araw ng Martes.
Ayon kay BFP Quezon City arson chief Fire Inspector Sherwin Penafiel, alas-12:23 nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang Ronnie Constantino.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa kahoy at light materials ang bahay ni Constantino.
Nadamay agad ang mga kapit-bahay kaya’t umabot sa ikatlong alarma ang sunog.
Dakong 1:49 ng umaga ng magdeklara ng fire out ang BFP.
Maswerte namang walang nasaktan sa insidente.
Aabot sa P50,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog.
Sa ngayon ay pansamantalang manunuluyan sa Brgy. Hall ng San Martin de Porres ang mga apektadong residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.