Karagdagang mga sasakyan patuloy na aagapay sa mga pasahero ng LRT-2

By Len Montaño October 07, 2019 - 11:26 PM

Dahil partial operations pa lamang ang Light Rail Transit-2 (LRT-2) simula araw ng Martes, October 8, patuloy na aagapay sa mga apektadong mga pasahero ang mga karagdagang mga sasakyan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), simula bukas ay patuloy ang deployment ng point-to-point buses sa Masinag, Emerald at Santolan stations ng LRT-2 papunta sa Legarda at pabalik.

Nasa 40 na modernized Public Utility Vehicles (PUVs) ang magsasakay ng mga pasahero mula Santolan hanggang Legarda.

Available rin ang Bus Service Loop sa Santolan, Katipunan, Anonas at Cubao.

Ang operasyon ng PUVs ay mula 5:30 ng umaga hangga alas 9:00 ng gabi araw-araw kung saan may bayad na flat rate na P15 mula Santolan hanggang Cubao at P25 mula Masinag hanggang Legarda.

Patuloy din ang libreng sakay sa mga bus ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi mula Santolan hanggang Cubao at pabalik araw-araw.

Samantala, bibiyahe na rin ang mga bus ng Victory Liner mula Santolan hanggang Cubao at pabalik mula 4:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.

 

TAGS: Bus Service Loop, dotr, libreng sakay, LRT 2, mmda, P2P bus, PCG, PUVs, Victory Liner, Bus Service Loop, dotr, libreng sakay, LRT 2, mmda, P2P bus, PCG, PUVs, Victory Liner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.