Dahil dito ay asahan na ang mas malamig na panahon sa susunod na mga araw sa gitna ng transition o pagpasok naman ng Hanging Amihan.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Pagasa administrator Vicente Malano na simula nang mararamdaman ang Amihan na magdadala ng mas malamig na hangin.
“Recent observations and analysis showed that the general wind pattern has shifted from southwesterly to easterly. This signifies that the southwest monsoon season has officially ended,” ani Malano.
Ayon kay Malano, ang paglakas ng high pressure systems sa kontinente ng Asya ay magreresulta ng unti-unting pagbabago ng panahon.
“Moreover, the strengthening of the high pressure systems over the Asian continent has led to the gradual changing of the season. With these developments, the climate of the Philippines is on transition to the northeast monsoon Amihan season in the coming days,” dagdag ng Pagasa administrator.
Gayunman una nang sinabi ng ahensya na hindi gaanong malamig ang Holiday weather at medyo mainit ang panahon sa Pasko kumpara sa nakalipas na mga taon.
Samantala, sinabi ng Pagasa na asahan ang hanggang anim pang bagyo na papasok sa bansa hanggang matapos ang taon.