Sen. Win Gatchalian ipinagtataka na hindi napaghandaan ang SLEX traffic

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na ipinagtataka niya na tila hindi napaghandaan ng toll operator ang matinding traffic sa SLEX dahil sa ginagawang Skyway extension project.

Katuwiran ni Gatchalian hindi naman bago na ang dami ng mga sasakyan na dumadaan sa SLEX kayat dapat ay napaghandaan ng toll operator ang traffic.

Aniya pabor siya na mabawasan kundi man suspindihin muna ang paniningil ng toll sa SLEX para naman maibsan ang sakripisyo ng mga motorista at pasahero.

Aniya sa panig ng Toll Regulatory Board ay maaari itong mag-imbestiga o magsagawa ng pagdinig kung may pormal na reklamo.

Dagdag pa ng senador dapat ay minomonitor din ng TRB ang sitwasyon dahil dumaan naman sa kanila ang lahat ng plano ng anumang paggawa sa mga toll ways.

Read more...