Grupo ng mga guro, hindi kumbinsido sa bagong pangako ng Pangulo ukol sa salary increase

By Noel Talacay October 07, 2019 - 08:23 PM

Sinagot ng grupo ng mga guro ang pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na ngayong taon na ibibigay ang salary increase para sa mga guro ng bansa.

Pagdating ng Pangulo mula sa Russia, tiniyak nito na ginagawa na gobyerno ang salary increase para sa mga guro at sa mga kawani ng pamahalaan.

Subalit, ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, Chairperson Joselyn Martinez na hindi sila matatahimik sa panibagong pangako ng Pangulo.

Aniya hindi sila kontento sa bangong pahayag ng Pangulo dahil noong tumatakbo pa lang ito bilang Presidente ay pangako na niya ito at hanggan sa ngayon ay hindi pa rin ito natutupad.

Ang nais ng mga guro anya na sundin ang kanilang hinihinging salar increase dahil makatarungan ito, hindi yung kung ano ang gustong ipatupad ng gobyerno.

Ang tinitukoy ni Martinez ay ang P16,000.00 para sa mga manggagawa ng gobyerno, P30,000.00 para sa teacher 1 at P31,000.00 sa Instructor 1.

Iginiit ni Martinez na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mga kilos protesta hangat hindi sila pinapakinggan ng pamahalaan.

TAGS: Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, Chairperson Joselyn Martinez, Rodrigo Duterte, Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, Chairperson Joselyn Martinez, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.