Mataas na approval rating ni Speaker Cayetano ikinatuwa ng liderato ng Kamara

By Erwin Aguilon October 07, 2019 - 08:17 PM

Nagpahayag ng kagalakan ang liderato ng Kamara sa mataas na resulta ng survey ng Pulse Asia kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasama sa rating ng Pulse Asia si Speaker Cayetano.

Ipinagmamalaki anya nila na ang kanilang lider ay nakakuha ng exemplery trust at approval rating.

Sinabi naman ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na na Nagpapakita lamang ang survey ng pagkilala ng publiko sa ginagawa ng liderato ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.

Tulad anya ng pangulo, ang primary focus ng Kamara ay mapaglingkuran at mabigyan ng mas maayos na pamumuhay ang sambayanan.

Para naman kay Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero dahil sa pamumuno ni Cayetano walang dahilan upang pagdudahan ang trabaho ng Kamara.

TAGS: Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, House Majority Leader Martin Romualdez, Kamara, pulse asia, Speaker Alan Peter Cayetano, Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, House Majority Leader Martin Romualdez, Kamara, pulse asia, Speaker Alan Peter Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.