Unti-unti nang naiinsecure ang Amerika dahil sa gumagandang relasyon ng Pilipinas at Russia.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa gumagandang relasyon ng Pilipinas at Russia, magbubukas na ngayon ang Amerika ng mas maayos na kasunduan sa bansa o fair deals.
Kagagaling lamang ni Pangulong Duterte sa limang araw na official visit sa Russia kung saan nakapag-uwi ito ng 620 milyong pisong business agreement.
Sabi din ni Panelo, ikinakasa na ngayon ng Pilipinas at Russia ang pagbili ng military equipment.
“Apart from that, it should be more open into giving us fair deals. Like the complain of the President, he wanted to buy arms from them and choppers, but they refused, because they placed condition, colatillas like you cannot use this against the insurgents—”, ani Panelo.
Dagdag pa ni Panelo, dismayado si Pangulong Duterte sa Amerika dahil hinarang noon ng dalawang US lawmakers ang pagbili ng Pilipinas ng armas sa sa kanilang bansa.