BREAKING: LRT-2, magkakaroon na ng partial operations simula Cubao hanggang Recto at pabalik simula bukas

Magpapatupad na ng partial operations sa Light Rail Transit Line-2 (LRT-2) sa araw ng Martes, October 8.

Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRT Administration, magkakaroon na ng biyahe mula Cubao hanggang Recto at pabalik.

Magsisimula ang unang biyahe sa Cubao bandang 6:00 ng umaga at 8:00 ng gabi naman ang huling biyahe.

Bandang 9:00 ng gabi naman ang huling biyahe ng tren sa bahagi ng Recto.

Matatandaang hindi nagkaroon ng partial operations sa LRT-2 matapos ang sunog sa power rectifier dahil sa naranasang technical problems.

Read more...