Maynila 3rd placer sa “cities with lowest quality of life”

By Den Macaranas October 07, 2019 - 05:49 PM

Pangatlo ang Maynila sa mga lungsod na may “lowest quality of life” base sa pag-aaral ng Deutsche Bank.

Kasama sa pag-aaral ang 56 mga lungsod sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Base sa May 2019 report ng Deutsche Bank kasama sa top three cities with the lowest quality of life were Lagos ang Nigeria; Beijing, China; at Maynila.

Ang mga bansa naman na mayroong highest quality of life, ayon sa research ay ang Zurich, Switzerland; Wellington, New Zealand; at Copenhagen, Denmark.

Ang Maynila ay kasama rin sa ulat Deutsche Bank report, kung saan ay pang 53 ito sa larangan ng purchasing power, 46th place sa larangan ng safety index, 45th place sa health care index at property price,  51st place sa traffic commute time, pang 54 sa  pollution index, at 47th placer sa climate index.

Sa larangan ng cost-of-living index, ang Maynila ay pang-sampu sa kabuuang 56 na mga bansa kung pagbabasehan ang buwanang kita ng mga residente sa lugar.

Sinabi pa sa pag-aaral ng Deutsche Bank na ang net monthly salary sa Maynila ay bumaba pa sa $480 ngayong 2019 mula sa $498 noong 2018.

TAGS: Deutsche Bank, lowest quality of life, manila, Switzerland, Zurich, Deutsche Bank, lowest quality of life, manila, Switzerland, Zurich

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.