Robredo hindi apektado sa pagbaba ng approval at trust ratings

By Angellic Jordan October 07, 2019 - 05:26 PM

(Photo by OVP)

Itinuturing ng Office of the Vice President (OVP) bilang inspirasyon ang pagbaba ng approval at trust rating ni VP Leni Robredo.

Bumaba sa limampung porsyento ang approval rating ni Robredo habang apat na pu’t anim na porsyento naman ang trust rating sa third quarter survey ng Pulse Asia.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na magiging hamon ito sa bise presidente para magdoble-kayod sa pagseserbisyo sa taumbayan.

Ikinagagalak pa rin aniya ni Robredo ang patuloy na pagpapakita ng suporta sa kaniya at mga proyekto nito ng mga kapwa-Filipino.

Sa tulong nito, mapapagtibay aniya ang adhikain ni Robredo na maging totoo sa kaniyang mandato na iangat ang mga nasa laylayan.

TAGS: approval, Pulse Asia Survey, Ratings, trust, approval, Pulse Asia Survey, Ratings, trust

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.