Malacanang hindi pinansin ang pagbaba ng approval at trust ratings ni Duterte
Hindi nababahala ang Malacanang sa bahagyang pagdausdus sa approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buwan ng Setyembre.
Base sa Pulse Asia survey, nasa 78 percent na lamang ang trust ratings ni Pangulong Duterte mula sa 85 percent na naitala noong Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagamat bahagayang bumaba ang ratings ni Pangulong Duterte, maituturing na mataas pa rin ito dahil lagpas pa sa 70 percent.
Aminado si Panelo na maaring ang kontrobersiya sa ninja cops o ang mga pulis na sangkot sa pagrerecycle ng illegal na droga ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng trust ratings ni Pangulong Duterte.
Normal na rin ayon kay Panelo na may mga pagkakataon na pumapalya ang trust ratings ng isang pangulo ng bansa lalo na kung may kontrobersiya na bumabalot sa kanyang administrasyon.
“The rating is still high; it’s more than 70%. Surveys fluctuate depending on when they get them. If it is taken at a time when there are controversies hounding, it may affect the survey results. The fact remains that 78% plus remains still high”, ayon pa kay Panelo. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.