Pagbebenta ng secondhand na cellphone bawal na sa Maynila
Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno na ipagbawal ang pagtitinda ng secondhand cellphones sa Maynila.
Inanunsyo ito ng alkalde sa press conference araw ng Lunes, Oct. 7.
Ayon sa alkalde, ang mga establisyemento na matutuklasang nagbebenta pa rin ng secondhand na cellphone ay maaring maipasara.
Layunin ng kautusan na maiwasan ang pagbebenta ng mga nakaw na cellphone sa lungsod.
Kasabay nito ay binalaan ni Moreno ang Isetann Mall sa Recto na maaring ipasara ito sa sandaling matuklasan na nagkukubli ng mga vendor na nagbebenta ng nakaw na cellphone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.