Sen. Leila de Lima naghain ng panukala para maprotektahan ang mga CCTV footage

By Chona Yu October 07, 2019 - 12:42 PM

Naghain ng panukala si Senator Leila de Lima para ma-preserba at maprotektahan ang mga recordings ng mga security cameras para sa posibilidad na magamit ang mga ito sa pag-iimbestiga sa krimen.

Ayon kay de Lima sa inihain ng Senate Bill 1073 o “Security Camera Evidence Preservation Act” may mekanismo para maprotektahan ang CCTV camera footages para makatulong sa mga kinauukulang ahensiya sa kanilang kampaniya kontra krimen.

Ang mga ito aniya ay magagamit sa isasagawang ‘case build-up’ laban sa mga kriminal at maging sa prosekusyon ng kaso.

Aniya may mag pagkakataon na nakakatulong ang CCTV footages sa pagresolba ng mga kaso kayat nararapat lang na magkaroon ng batas para sa agarang pag-protekta sa mga video recordings.

Sinabi ni de Lima, nakasaad sa kanyang panukala ang pagkakaroon ng storage system ng gobyerno kung saan pangmatagalan na preservation and safekeeping ng mga video footages.

TAGS: CCTV footages, leila de lima, Security Camera Evidence Preservation Act, Senate Bill, CCTV footages, leila de lima, Security Camera Evidence Preservation Act, Senate Bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.