LPG companies nais ni Sen. Imee Marcos na maimbestigahan dahil sa ikinasang ‘price hike’

Inihirit ni Senator Imee Marcos sa Department of Energy (DOE) na imbestigahan ang mga kompaniya ng LPG sa ikinasang dagdag-presyo sa cooking gas.

Nalalakihan si Marcos sa ipinatong na presyo sa LPG at aniya hindi na makakayanan pa ng isang simpleng pamilya ang P5 kada kilo na dagdag presyo sa produkto.

Aniya dapat ay alamin ng DOE kung ano ang pinagbatayan ng mga kompaniya para sa tinawag niyang bigtime price hike sa LPG.

Paniwala ng senadora hindi maaring gamitin na dahilan ang pag-atake sa isang pasilidad ng langis sa Saudi Arabia sa ikinasang dagdag presyo.

Pinansin din ni Marcos ang kulang sa timbang na mga cooking gas, gayundin ang bulok na mga tangke na aniya ay lubhang delikado dahil pinipinturahan lang para maitago ang mga kalawang.

Sa ngayon, ang presyo ng 11-kg LPG ay umaabota na sa P700 at ang pinakamura na ay P682.

Read more...