Pangulong Duterte maayos ang lagay ng kalusugan ayon sa Malakanyang
Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko kaugnay sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng palasyo matapos aminin ni Pangulong Duterte sa Russia na nakararanas siya ng “myasthenia gravis”, isang kondisyon na nagdudulot ng panghihina ang kalamnan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil malusog ang pangulo at hindi seryoso ang sakit ng pangulo.
Katunayan, sinabi ni Panelo na maayos pa ring nagagampanan ng pangulo ang kanyang mga tungkulin at nakadadalo pa sa mga nakatakdang pagtitipon o okasyon.
Dagdag pa ni Panelo, si Pangulong Duterte pa ang naghahamon sa media na dagdagan pa ang kanilang mga tanong kapag mayroong mga press conference.
Ayon kay Panelo, kailanman ay hindi naging malihim ang pangulo sa lagay ng kanyang kalusugan.
Kahapon lamang, inamin ng pangulo sa kanyang arrival speech sa Davao City na nakararanas siya ng matinding sipon matapos ang limang araw na official visit sa Russia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.