Ayon kay Japan coast guard spokesman Kazuma Nohara, pinaniniwalaang nangingisda sa Sea of Japan ang mga sakay ng bangka ng North Korea.
Wala namang ibinigay na detalye hinggil sa kalagayan ng mga sakay ng North Korean boat pero ayon kay Nohara nagpadala agad sila ng rescue boats at aircraft sa lugar.
Bahagya kasing lumubog ang fishing vessel ng North Korea matapos ang banggaan.
Nangyari ang banggaan sa karagatan sa layong 350 kilometers northwest ng Noto peninsula sa Ishikawa prefecture central Japan.
Sinabi ni Nohara na pinaigting nila ang pagpapatrol sa karagatan kasunod ng mga ulat ng pangingisda doon ng maraming North Korean fishing boats.