Namayapang aktres na si Amalia Fuentes nakatakdang ilibing sa Martes, Oct. 8

By Jimmy Tamayo October 07, 2019 - 12:12 PM SHARE(S):

Itinakda bukas, araw ng Martes, October 8 ang libing ng namayapang aktres na si Amalia Fuentes.

Hindi nagbigay ng detalye sa libing ang pamilya maliban sa isang misa sa alas-8:00 ng umaga na gaganapin sa Mt. Carmel Church sa New Manila, Quezon City.

Pinahaba naman ang oras ng public viewing para sa namayapang aktres na magsisimula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Araw ng linggo nang buksan sa publiko ang burol para kaya Fuentes sa Mt. Carmel Shrine na nagsimula alas-7:00 ng gabi hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Ang dating movie queen ay sumakabilang-buhay noong sabado sa idad na 79.

Samantala, nakaburol ang mga labi ng namayapang aktor na si Tony Mabesa sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue sa Quezon City.

Itinakda ang cremation ng mga labi ni Mabesa sa miyerkules, October 9 sa Arlington Crematory.

Si Mabesa ay pumanaw noong biyernes sa idad na 84.

TAGS: Amalia Fuentes, Mt. Carmel Church, new manila, quezon city, Amalia Fuentes, Mt. Carmel Church, new manila, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.