Approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte bahagyang bumaba
May bahagyang pagbaba sa approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa latest survey ng Pulse Asia.
Sa September 2019 Ulat Sa Bayan survey ng Pulse Asia, nakakuha ng 78 percent na approval rating ang pangulo.
Katumbas ito ng 8 sa bawat 10 Pinoy ang nagsabi na aprubado nila ang performance ng pangulo sa nagdaang mga buwan.
Mas mababa ito ng kaunti kumpara sa 85 percent na approval rating na nakuha ng pangulo noong June 2019.
Si Senate President Vicente Sotto III naman ay nakakuha ng 72 percent na approval rating 64 percent ang nakuha ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
50 percent naman ang nakuha ni Vice President Leni Robredo at 42 percent ang nakuha ni Chief Justice Lucas Bersamin.
Ginawa ang nationwide survey mula September 16 hanggang 22, 2019 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 na adults.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.