89 Bus units binigyan ng special permit ng LTFRB para sa mga pasaherong apektado ng tigil-operasyon ng LRT-2
Upang makaagapay sa mga pasaherong naabala sa pagkasira ng LRT Line 2, nagpalabas ng 89 na special permit ang LTFRB para sa bus na babayahe pa-Maynila.
Sa report na inilabas ng LTFRB, kabilang sa mga binigyan ng special permit ang Airfreight Express Bus (1 unit), Armi Josh Bus (5 units), Corimba bus (6 units), Quiapo Bus (4 units), Earth Star Express Inc. (5 units), Tolfetano Corp., (10 units), Victory Lines (30 units) at RRCG Transport (28 units).
Layunin nitong na madagdagan ang mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa lugar matapos na masira ang LRT-2.
Una nang inihayag ng LRTA na posibleng umabot ng siyam na buwan bago makabalik ang buong operasyon ang LRT-2.
Nagsasagawa pa ng assessment ang LRTA para mabuksan ang biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang sa Recto, Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.