Dalawang barangay tanod patay sa aksidente sa Cagayan De Oro City

Patay ang dalawang barangay tanod makaraang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang pick-up sa Barangay Bugo sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga biktima na sina Saturnino Taburnal, 60-anyos at Benjamin Lumani, 62-anyos na kapwa barangay tanod mula sa Barangay Casinglot sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ayon sa ulat, kapwa nakainom ng alak ang dalawa at maaaring nabahala na masita sa checkpoint lalo’t wala silang suot na helment.

Sa pagmamadali ay nagpagewang-gewang umano ang takbo ng motorsiklo kaya bumangga sa kasalubong na pick-up.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi ng Toyota Hi-Lux na minamaneho ng isang Arl Saluaga Rellido, 46-anyos ng Sta. Ana, Tagoloan sa Misamis Orienta.

Nakapiit ngayon si Rellido at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide.

Read more...