WATCH: Re-investigation sa mga tinaguriang ‘ninja cops’ iniutos ni Albayalde

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2019 - 10:37 AM

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde ang pagsasagawa muli ng imbestigasyon sa mga tinaguriang ‘ninja cops’ na nasangkot sa drug recycling noong 2013 sa isang operasyon sa Pampanga.

Ayon kay Albayalde, inatasan na niya ang Directorate for Investigation and Detective Management ng PNP na magsagawa ng re-investigation laban sa mga sangkot na pulis na mga dati niyang tauhan noong siya pa ay Pampanga Police provincial director.

Sa press briefing sa Camp Vicente Lim sa Laguna, sinabi ni Albayalde na makikipag-ugnayan ang DIDM sa Intelligence Affairs Service (IAS).

Iniutos din ni Albayalde ng lahat ng sangkot na pulis ay madala sa Personnel Holding and Accounting Unit ng PNP Headquarters sa Camp Crame para masigurong agad silang makatutugon sa imbestigasyon.

Ayon kay Albayalde, walang sasantuhin ang imbestigasyon.

TAGS: ninja cops, Personnel Holding and Accounting Unit, PNP, reinvestigation, ninja cops, Personnel Holding and Accounting Unit, PNP, reinvestigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.