Indonesian huli sa shabu smuggling sa NAIA T3

By Jan Escosio October 07, 2019 - 10:25 AM

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau if Customs sa NAIA Terminal 3 ang isang Indonesian national na hinihinalang drug courier.

Ayon kay Atty Lourdes Mangaong, ang hepe ng Passenger Services ng Customs Bureau, maagang dumating si Agnes Alexandra mula Cambodia sakay ng isang Cebu Pacific flight Lunes (Oct. 7) ng umaga.

Ayon pa sa opisyal ang droga ay nakatago sa isang special compartment ng selyadong check in baggage ni Alexandra.

Dagdag pa ni Mangaoang ang pinaniniwalaang high-grade shabu ay kasama sa naunang nakumpiska noong nakaraang linggo mula rin sa Siam Reap, Cambodia.

Pinaniniwalaan na isang Cambodian drug cartel ang nasa likod ng mga tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa.

Nakipag ugnayan na ang Customs sa PDEA para sa pagsasampa ng mga kaso laban kay Alexandra.

TAGS: customs - naia, drug smuggling, Indonesian national, naia terminal 3, customs - naia, drug smuggling, Indonesian national, naia terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.