Problema sa telecommunication system at power supply dahilan kaya hindi nagkaroon ng partial operations ang LRT-2 ngayong araw

Problema sa telecommunication system at power supply ang dahilan kaya hindi nakapag-resume ng partial operations ang LRT-Line 2 ngayong araw.

Sa pahayag sinabi ni LRTA Administrator Reynaldo Berroya, sa sandaling matiyak na normal ang kondisyon ng kanilang signaling, telecommunications, power supply at mismong mga tren, agad silang magpapatupad ng partial commercial operations mula Cubao Station to Recto Station at pabalik.

Habang walang biyahe ang LRT-2 sinabi ni Berroya, na tulung-tulong ang mga ahensya ng gobyerno para maasistihan ang mga pasaherong apektado.

Maliban sa sampung Modernized PUVs na bumibiyahe mula Santolan Station to Legarda Station at pabalik, may mga bus din na binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makabiyahe sa Santolan to Cubao at pabalik.

Kabilang dito ang sumusunod na mga bus:
– Airfreight Express Bus
– Armi Josh Bus
– Corimba bus
– Quiapo bus
– Earth Star Express Inc.
– RCGC bus

Simula bukas, magdaragdag pa ng mga bus na ide-deploy sa bahagi ng Masinag, Emerald at Santolan na diretsong bibiyahe hanggang Legarda.

May dagdag ding 24 pa na modernized PUVs na bibiyahe naman mua Santolan to Cubao at pabalik.

Ang pamasahe mula Santolan to Cubao at pabalik ay P15 habang P25 naman ang pamasahe kapag hanggang Legarda. (END/DD)

Read more...