Pelikulang “Joker” nangunguna sa US box office

By Jimmy Tamayo October 07, 2019 - 08:59 AM

Nangunguna ngayon sa US box office ang pelikulang “Joker” ng Warner Bros.

Sa kabila ito ng kontrobersyang bumabalot sa pelikula na pinangungunahan ng aktor na si Joaquin Phoenix at sa direksyon ni Todd Phillips.

Sa unang linggo sa mga sinehan kumita ang Joker ng $93.5 milyon na bagong record sa mga pelikula na nagbubukas sa buwan ng Oktubre.

Ang Joker ay kumita na ng $140.5 milyon sa overseas at kabuuang $234 milyong globally.

Ang pelikula ay tumatalakay sa buhay ng pinaka-kilalang villain ng DC comics superhero na si Batman na si Joker o Arthur Fleck.

Noong nakaraang linggo naghigpit ng seguridad sa ilang mga sinehan sa New York at Los Angeles dahil sa pangamba na pagmulan ng karahasan ang pelikula.

Samantala, nalaglag sa ikalawang pwesto ang pelikulang Abominable ($12m) at pangatlo ang “Downtown Abbey” ($8M).

Nasa pang-apat na pwesto ang “Hustlers” ($6.3M) at pang-lima ang “It: Chapter Two” ($5.4M)

TAGS: “Joker”, us box office, “Joker”, us box office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.