Water level ng Angat dam bahagyang nadagdagan

Nadagdagan ng bahagya ang antas ng tubig sa Angat dam

Alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 7 sinabi ng PAGASA Hydrology na nasa 190.25 meters ang antas ng tubig ng Angat.

May bahagyang pagtaas kumpara sa 190.18 meters kahapon.

Samantala, nabawasan naman ang water level sa Ipo dam na ngayon ay nasa 100.86 meters at nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 78.24 meters ngayong umaga.

Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nadagdagan naman ang antas ng tubig.

Read more...