Daan-daang pasahero ng LRT-2 Santolan station nahirapang makasakay

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2019 - 06:54 AM

Daan-daang pasahero ng LRT-2 ang naipon sa Santolan Station na nag-aabang ng masasakyan.

Pasado alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Oct. 7 tambak ang mga pasahero Marcos Highway sa Santolan Station na nag-aabang ng masasakyang bus.

Ilan sa kanila halos isang oras na nag-abang bago tuluyang makasakay .

Ayon sa pamunuan ng LRTA, aabot sa 30 bus at 20 modernized PUVs ang target nai-deploy ngayong araw para magserbisyo sa mga apektadong pasahero.

Sa mga bus na mayroong special permits nasa P12 hanggang P15 ang pamasahe hanggang Cubao.

Libre naman ang sakay sa mga bus ng Coast Guard at MMDA.

TAGS: LRT line 2, LRTA, Radyo Inquirer, railways, Stop Operation, LRT line 2, LRTA, Radyo Inquirer, railways, Stop Operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.