8-digit landline number epektibo na mula kahapon

Epektibo na simula kahapon ang pagpapatupad ng 8-digit landline number.

Sa abiso ng PLDT, alas 12:00 ng tanghali kahapon ay natapos na ang migration ng 7-digit landline numbers sa Greater Metro Manila patungo sa bagong 8-digit number system.

Simula kahapon, lahat ng PLDT landline numbers ay kailangang dagdagan na ng number 8 sa simula.

Nagkakaroon naman ng problema sa ilan pang mga lugar at sinabi ng PLDT na tinututgunan na nila ito.

Sa abiso naman ng kumpanyang Globe, sinabi nitong nakumpleto na rin nila ang migration ng lahat ng Globe At Home, Due at Bayan landline numbers na may area code na 02.

Ang mga subscribers ng Globe at DUO numbers ay kailangang dagdagan ng 7 sa umpisa ang kanilang landline numbers habang 3 naman ang idaragdag sa Bayan landline numbers.

Ayon sa Globe, makararanas pa ng problema sa pag-contact sa PLDT numbers dahil sa nararanasang technical problem ng naturang kumpanya.

Ang mga subscribers ng Eastern Telecom ay number 5 ang idaragdag sa simula ng kanilang landline numbers habang number 6 naman ang dagdag kapag subscriber ng ABS-CBN Convergence.

Ang dagdag number ay bilang pagtalima sa direktiba ng National Telecommunications Commission.

Read more...