Lalaki sa Australia pinatay ang kaniyang ex-GF, pamilya nito, at bagong BF

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2019 - 06:00 AM

Lima ang nasawi sa insidente ng pamamaril sa Australia.

Pinagbabaril ng 25 anyos na lalaking suspek ang kaniyang 19 anyos na ex-girlfriend, tatlong miyembro ng pamilya nito at ang bago nitong boyfriend.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang buwan na ang nakararaan nang maghiwalay ang teenager at ang suspek.

Ayon sa mga otoridad, pinuntahan ng suspek ang bahay ng biktima at nagwala doon.

Nang itinaboy siya ng ama ng teenager, bumalik ang suspek bitbit na ang baril at sakay binaril ang ama ng, ina, at kapatid na lalaki ng babae.

Matapos ito ay umakyat sa balcony ang suspek at pinasok ang lugar kung saan natutulog ang kaniyang ex-girlfriend at bago nitong boyfriend at saka binaril din ang dalawa.

Pagkatapos ng insidente ay agad sumuko sa kalapit na police station ang suspek at sinabing nakapatay siya ng limang tao.

Mahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek.

TAGS: Australia, Killings, mass shooting, Shooting Incident, Australia, Killings, mass shooting, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.