Magnolia binigyan muli ng talo ang Alaska
Patuloy na gumaganda ang record ng Magnolia Hotshots sa 2019 PBA Governors’ Cup matapos talunin ang Alaska Aces sa iskor na 95-90 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum.
Umabante sa 3-1 ang Hotshots habang nalaglag sa conference ang Aces dahil sa 0-5 record.
Nanguna si Ian Sangalang para sa Hotshots na ipinasok ang siyam sa kanyang 19 puntos sa final frame para pigilan ang tangkang panalo ng Aces.
Naibaba kasi ng Alaska ang deficit sa apat na puntos, 94-90, sa huling 61 segundo ng laban.
Ayon kay Coach Chito Victolero hindi sila nagpakampante at kinailangang tapatan ang energy ng Alaska na gigil manalo.
“We needed to match or surpass Alaska’s energy because we know that their backs were against the wall,” ani Victolero.
Samantala, susunod na makakalaban ng Magnolia ang wala pang talo na San Miguel sa Biyernes, sa MOA Arena.
Umaasa na si Victolero na mahihirapan sila sa laban kontra Beermen at kailangan nilang magpahinga nang mabuti.
“It’s going to be very hard. We just have to rest [well],” ani Victolero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.