Isang bagyo, inaasahang papasok sa PAR sa Miyerkules o Huwebes

By Rhommel Balasbas October 07, 2019 - 05:35 AM

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na “Hagibis”.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, nasa ‘Typhoon’ category na ito taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-Kanluran-Hilagang-Kanluran at posibleng pumasok ng PAR sa araw ng Miyerkules o Huwebes.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Loriedin De La Cruz, mababa ang tyansa na mag-land fall ang bayo at posibleng dumaan lang ito sa boundary ng PAR.

Samantala, nakakaapekto ngayon sa eastern section ng bansa ang hangin mula sa dagat-Pacifico o Easterlies

Sa Metro Manila at halos kabuuan ng bansa, maalinsangang panahon ang inaasahan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning ngayon sa anumang baybaying-dagat ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga sasakyang pandagat.

TAGS: Hagibis, Pagasa, tyhphoon, weather, Hagibis, Pagasa, tyhphoon, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.