Dating pulis patay sa pamamaril sa Pasay

Nasawi ang isang pulis habang sugatan ang dalawang iba pa sa pamamaril sa loob ng isang restaurant sa Pasay City.

Ayon kay Libertad PCP Commander Police Major Freud Villa, dead-on-the spot ang biktima na kinilalang si Joselito Lopez.

Kumakain lamang si Lopez kasama ang kanyang anak at isang kaibigan sa restaurant sa Zamora Street nang pumarada sa labas ang dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Bumaba ang isa sa dalawang lalaki sa motorsiklo, pumasok sa kainan at pinagbabaril na si Lopez.

Damay ang isang babaeng customer at waitress sa pamamaril.

Agad na tumakas ang mga suspek na nakasuot ng face mask.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pamamaril at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Read more...