4 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City
Timbog ang apat na drug suspects sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.
Nakuha ang aabot sa P300,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang operasyon sa Brgy. Commonwealth.
Ayon kay QCPD Station 6 Drug Enforcement Unit chief Pol. Maj. Sandy Caparoso, timbog sa operasyon ang suspek na nakilala sa alyas na ‘John’, 38 anyos na galing Sultan Kudarat, Maguindanao.
Pumayag ang suspek sa paunang bayad na P10,000 kapalit ng 50 gramo ng shabu at gawin na lang hulugan ang kabuuang halaga na nasa P300,000.
Depensa ng suspek, napag-utusan lamang siya na ihatid ang droga na nagmula Rodriguez, Rizal, kapalit ng P1,000.
Samantala, sa Brgy. Kaunlaran sa Cubao, timbog din sa buy-bust operation ang isang TNVS driver at dalawa nitong kasamahan.
Nakuhaan ang tatlo ng pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P3,500.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.