2 factory worker kritikal sa chemical inhalation sa Caloocan

Kritikal ang kondisyon ng dalawang empleyado ng isang pabrika ng mantika sa Caloocan matapos makalanghap ng kemikal, araw ng Linggo.

Ayon kay Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management (CCDRMMO) officer Dr. James Lao, nakilala ang mga biktima na sina Limuel Ibe, 24, at Bobby Benitez, 25.

Empleyado ang dalawa ng Trans-Asia Philippines Manufacturing Industries Corporation.

Siyam pang empleyado ang isinugod din sa pagamutan ngunit ngayon ay ‘stable’ na ang kondisyon.

Ayon kay Lao, posibleng nakalanghap ng hydrogen sulfate ang mga empleyado habang nililinis ang grease trap ng cooking oil.

Itinanggi naman ng kumpanya sa Caloocan PNP ang chemical leak.

Ayon sa kumpanya, na-suffocate ang kanilang mga tauhan habang nililinis ang grease trap na may lalim na higit isang metro.

Read more...