P10.2M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Bohol
Nakumpiska ng pulisya ang aabot sa P10.2 milyong pisong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol, Linggo ng hapon.
Ayon kay Bohol Police Provincial Office (BPPO) acting director Col. Jonathan Cabal, nagkasa ng operasyon laban sa isang suspek na nakilalang si Alan Ben Caberte, residente ng Brgy. Cogon.
Dalawang linggo anyang minanmanan si Caberte na isang level-two high value target.
Positibong nabilhan ng mga poseur buyer ang suspek ng iligal na droga at agad itong naaresto.
Nakumpiska mula kay Caberte ang malalaking pakete ng shabu na may bigat na 1.5 kilos at may street value na P10.2 milyon.
Samantala, arestado rin sa hiwalay na operasyon sa Brgy. Tiptip ang isa pang kasabwat ni Caberte na nakilalang si Eva Marie Osiones, 44 anyos.
Nakuha mula kay Osiones ang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Nakakulong na ang dalawa sa Tagbilaran City Police detention facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.