4 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa bar sa Kansas

By Rhommel Balasbas October 07, 2019 - 03:16 AM

AP photo

Patay ang hindi bababa sa apat katao habang lima ang sugatan sa pamamaril ng dalawang lalaki sa loob ng isang bar sa Kansas City, USA, araw ng Linggo.

Ayon kay Kansas police spokesperson officer Thomas Tomasic, posibleng nasangkot sa komosyon ang dalawang lalaki sa loob ng Tequila KC Bar bago ang insidente.

Umalis ang dalawa sa bar at nang bumalik ay may dala nang mga baril at saka nagpa-ulan ng bala.

“We think there was something that happened in the bar earlier probably. Unfortunately, they left and decided to take it to another level, came back and started shooting,” ani Tomasic.

Nasa 40 katao ang laman ng bar nang magpaputok ang mga gunmen.

Lahat ng nasawi ay lalaki, nasa edad 20 hanggang 50, at Hispanic ang lahi ngunit hindi naniniwala ang pulisya na ‘racially motivated’ o hate crime ang krimen.

Sa ngayon ay nagkasa na ng manhunt laban sa mga suspek.

TAGS: 4 dead, 5 injured, Kansas bar shooting, Tequila KC Bar, 4 dead, 5 injured, Kansas bar shooting, Tequila KC Bar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.