LRT-2 hindi pa makapagpapatupad ng partial operations ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 07, 2019 - 12:08 AM

Hindi pa makapagsisimula ng partial operations ang LRT-2 mula Cubao hanggang Recto stations ngayong araw, October 7.

Sa pahayag ni LRTA Administrator Reynaldo Berroya Linggo ng gabi, sinabing hindi pa makapagpapatupad ng partial operations dahil hindi pa tapos ang test runs at safety checks.

Dahil dito ay muling hiningi ng train line ang pang-unawa ng publiko.

Ani Berroya, hindi pwedeng makompromiso ang kaligtasan ng mga mananakay kaya’t kailangan munang matiyak na ligtas ang istruktura at kagamitan ng LRT-2 bago ipagpatuloy ang operasyon.

Sakaling maideklarang ‘cleared’ at nasa normal na kondisyon ang signaling, telecommunications at power supply systems ay agad naman umanong ibabalik ang LRT-2 operations mula Cubao hanggang Recto.

Kasabay nito sinabi ng LRTA na may 30 Victory buses at 20 modern public utility vehicles ang idedeploy mula alas-5:00 hanggang alas-10:30 ng gabi sa Santolan station para isakay ang mga apektadong pasahero pa-Cubao at pabalik.

May designated loading at unloading areas ang nasabing mga buses at PUVs.

Ang pasahe sa mga bus at PUV na ito ay mula P12 hanggang P15.

Bukod pa ang naturang serbisyo sa libreng sakay na handog ng MMDA mula Santolan hanggang Cubao at pabalik mula naman alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

TAGS: Light Rail Transit (LRT), Light Rail Transit Authority (LRTA), LRT 2, no partial operations still, Light Rail Transit (LRT), Light Rail Transit Authority (LRTA), LRT 2, no partial operations still

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.